Inaasahang magsisimula na ang operasyon sa kalagitnaan ng taong 2026 ang Mayor Julian Valerio Resuello Memorial Dialysis Center nito lamang ika-16 ng Pebrero, sa sandaling maaprubahan ang License to Operate mula sa Department of Health (DOH)
Ayon kay San Carlos Mayor Julier Resuello, ang itinayong dialysis center ay makabuluhang hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang higit pang mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga kababayan nilang nangangailangan ng dialysis.
Ang pasilidad na ito ay makapaglilingkod ng higit kumulang 1,000 dialysis treatment cycles para sa mga nangangailangan sa Lungsod.
Ang treatment sa pasilidad na ito ay sasagutin ng PhilHealth, at maglalaan din ng karagdagang pondo ang LGU para sa iba pang gastusin upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo.
Kumpleto na ang mga kagamitan at hinihintay na lamang ang go signal mula sa mga kinauukulang ahensya.
Ang mga kagamitan na ito ay mula sa Amerika at isa sa pinaka-advance at latest na teknolohiya sa buong Pilipinas.










