Magsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan upang malaman kung may pananagutan ang ina ng apat na taong gulang na batang namatay dahil sa pagmamaltrato ng amain sa bayan ng Bugallon Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Maj. Jake Isidro, hepe ng Bugallon Police Station, sinabi nito na inamin ni Angela San Andres na nanay ng biktimang si Erwin Piad na ilang beses na itong sinasaktan ng kanyang live-in partner na si Jessie Garbo.

Aniya, kapag lumabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon at nakitang responsable din ang ina ng biktima sa kanyang pagkamatay ay posible rin nila itong kasuhan.

--Ads--

Samantala, sinampahan na ng kasong Homicide na may kinalaman sa Republic Act 7610 o Child Abuse Act ang naturang suspek.

Napag-alaman din nila na may naging kaso na rin ang suspek na may kaugnayan sa pananakit ngunit nauwi sa areglo.