Dagupan City – Pinuna ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang konstruksyon ng isang gusali sa Bonuan Binloc matapos matuklasang wala itong kinakailangang permit at itinatayo pa sa lupang pag-aari ng lungsod.

Ayon sa City Engineering Office, hindi pa sila naglalabas ng building permit para sa proyekto.

Ilang ulit na ring pinaalalahanan ang mga responsable na ihinto ang pagtatayo, ngunit hindi umano ito sinunod.

--Ads--

Dahil dito, isinasagawa na ang mga hakbang para sa demolisyon ng nasabing istraktura.

Binigyang-diin ng alkalde na maituturing itong land grabbing at mahalagang sundin ang batas, lalo na kung ang lupa ay pag-aari ng gobyerno.

Nakatakda sanang pagtayuan ng police precinct ang naturang lugar.