Ibinahagi ng ilang mga kilalang personalidad ang kanilang mga paboritong Pokemon characters sa Super Bowl.
Inilarawan nina singer Lady Gaga, Actor-Comedian Trevor Noah, Formula One racer Charles Leclerc, SoKor singer Jisoo, actor Maitreyi Ramakrishnan, Spanish soccer player Lamine Yamal, at si rapper Young Miko ang kanilang mga paboritong pokemon bago nila ito ipakilala.
Si Jugglypuff ang napili ni Lady Gaga dahil sa parehong pagkanta ang kanilang hilig.
--Ads--
Pinili naman ni Trevor Noah si Psyduck, Arcanine naman kay Leclerc, pinili ni Jisoo si Eevee, Luxray naman para kay Ramakrishnan, Zygarde kay Yamal, at Gengar ang chosen partner ni Young Miko.
Ito ay bahagi ng paggunita ng The Pokemon Company sa kanilang ika-30 anibersaryo.










