BOMBO DAGUPAN – Sumailalim ang ilang empleyado ng pamahalaang lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa isang Disability Awareness and Sensitivity Training na may temang “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access” na ginanap sa Sports Complex ng lungsod.

Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng tamang kaalaman at kasanayan at pagtuunang pansin ang kahalagahan at pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan at estado ang bawat Person with Disabilities (PWDs) sa siyudad sa lahat ng aspeto at lokal na serbisyo.

Nagbahagi ng kaalaman bilang tagapagsalita sina Social Welfare Aide/PDAO Focal, Erick M. Marinas ng LGU San Fabian at Recreation and Welfare Services III, Analyn D. Sangalang.

--Ads--

Ito ay inorganisa ng City Social Welfare and Development Office kasama ang Person with Disability Affairs Office (PDAO) katuwang ang City Human Resource Management Office ng pamahalaang lungsod ng Alaminos.

Patuloy naman ang pasasalamat ng mga ito sa patuloy na pagbibigay suporta at tulong sakanila.