Hindi napigilan ng matinding buhos ng ulan ang ilang grupo para magprotesta sa Kalaw Avenue sa Maynila ngayong Huwebes, Agosto 13 upang tutulan ang Pax Silica initiative sa Capas, Tarlac.

Nagmartsa ang grupo mula sa Kalaw Avenue patungo sa US Embassy subalit hinarang sila ng pulisya.

Ilan sa mga hawak ng mga raliyista ay may nakalagay na nananawagan sa pag-ban kay US President Donald Trump na tinawag na “war criminal” na hindi welcome sa bansa.

--Ads--

Sa kaniyang talumpati, kinondena ni Bayan Chiar Teddy Casiño ang Amerika dahil sa umano’y paggamit nito sa Pilipinas para sa planong pagtatayo ng AI weapons manufacturing hub sa bansa.

Sinabi rin niya na hindi dapat paniwalaan ang mga pangako mula sa gobyerno ng Amerika lalo na pagdating sa depensa laban sa China.

Wala umano itong pinagkaiba sa pambobola noong 1898 ng US na tutulong ito sa Pilipinas laban sa mga Kastila at baka magising na lamang isang araw na nagsabwatan na ang China at US at gagamitin ang Pax Silica para sa kanilang sariling interes.