Napili ng Iran ang ikalawang anak ni Ayatollah Ali Khamenei bilang kahalili nito sa pagiging Supreme leader.
Kinumpirma ni Assembly of Experts member Ahmad Alamolhoda nitong linggo na inihalal ng Islamic regime si Mojtaba Khamenei bilang bagong mamumuno sa kanilang bansa.
Gayunpaman, itinatanggi ito ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi kahit pa man ilang opisyal na ang tinuturong si Motjaba ang magpapatuloy sa pamumuno ng Khamenei.
Dagdag pa rito, tinuturong responsable si Hosseini Bushehri sa pag-anunsyo ng desisyon.
Napaulat na ang ikalawang anak ni Ayatollah ang nakabuo ng malapit na relasyon sa mga mataas na lider ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC).
Ang naturang anunsyo ay naudlot umano dahil sa pangamba sa seguridad nito at maging target ito ng Israel at Estados Unidos.
Kinumpirma rin ng Farsi account ng IDF sa social media na kanilang papaslangin ang bagong inihalal na supreme leader.










