Nilinaw ni ICC assistant to counsel Kristina Conti na hindi awtomatikong maaaresto ang mga pinangalanang umano’y kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.

Sinabi ni Conti na nasa prosecutorial discretion ng ICC Prosecutor kung sino ang hihingan ng arrest warrant. Aniya, bagama’t saklaw ng ICC ang lahat ng sangkot, karaniwang tinututukan ng prosekusyon ang “most responsible” o yaong may pinakamataas na papel at kapangyarihang pigilan ang krimen.

Kabilang sa mga pinangalanan sina Senador Ronald dela Rosa at Senador Bong Go; dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II; mga dating hepe ng Philippine National Police na sina Vicente Danao, Camilo Cascolan, at Oscar Albayalde; dating pinuno ng National Bureau of Investigation na si Dante Gierran; at dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Isidro Lapeña.

--Ads--

Samantala, itinanggi ng kampo ni Duterte ang mga alegasyon at inilarawan ang listahang inilabas ng ICC bilang “ganap na walang katotohanan.”