Agaw-pansin si Heart Evangelista sa State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28, 2025, sa Batasang Pambansa.
Suot kasi nito ang dalawang eleganteng Filipiniana na likha ni Michael Leyva—isang barong-inspired top na may habing palda, at isang all-white Filipiniana gown na may wave-pattern at train.
Stylist niya sa okasyon ang kaibigan niyang si Iza Sim.
Maraming netizens ang humanga: “Ang lakas maka-first lady,” ani ng isa. May ilan ding nagsabing kahawig niya si Tandang Sora at ang Birheng Maria dahil sa disenyo ng gown.
Ngunit napansin din ng ilan ang lungkot sa mga mata ni Heart sa kanyang mga social media post.
Dito na nilinaw ng aktres na malungkot siya dahil nasa ospital ang mga alaga niyang aso na sina Panda at Pochi.
Nagpaabot ng dasal at suporta ang kanyang mga taga-hanga.