Dagupan City – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Aguilar Municipal Police Station sa mga establisimyentong pinansyal sa Barangay Poblacion bilang bahagi ng pinaigting na hakbang sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa bayan.

Pinangunahan ni PMAJ Mark Ryan C. Taminaya, Officer-in-Charge ng Aguilar Police Station, ang isinagawang pag-iinspeksyon na layuning matiyak ang kaligtasan ng mga financial establishment at maiwasan ang posibleng paglitaw ng mga insidente ng kriminalidad.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ng mga pulis ang kabuuang seguridad ng mga establisimyento at pinaalalahanan ang mga namamahala rito na patuloy na pairalin ang mahigpit na seguridad at maging mapagmatyag laban sa anumang kahina-hinalang aktibidad.

--Ads--