BOMBO DAGUPAN- Nagtapos sa ika-anim na pwesto si Filipino tanker Ernie Gawilan sa men’s 400m freestyle S7 final para sa kaniyang kampanya sa Paris Paralympics.

Nagawang languyin ni Gawilan ang unang 200m ng kaniyang karera at naihabol ang kaniyang bilis sa final half.

Nagtapos si Gawilan sa oras na 5:03.18, tatlong segundong mas mabagal kaysa sa kaniyang qualifying time na 5:00.13 na nagtaas sa kaniya sa finals.

--Ads--

Nakamit naman ni Italian Federico Bicelli ang gintong medalya nang magtapos ito sa oras na 4:38.70. Nasungkit naman ni Ukranian Andrii Trusov ang silver medal nang magtapos sa oras na 4:40.17. Habang bronze medal ang iuuwni ni Argentine Inaki Badiloff nang magtapos sa orasn a 4:40.27