BOMBO DAGUPAN- Matagumpay si Filipino Gymnastic Olympics Carlos Yulo na mapabilang sa Men’s All-Around, vault, at Floor Exercise finals matapos ang kaniyang pagsabak sa Men’s Artistic Gymnastics Qualifications sa Paris Olympics 2024, kagabi lamang.
Matapos ang qualification round, nagawang makuha ni Yulo ang 8th spot sa 2 of the 3 qualification subdivisions.

Matapos ang qualification round, nagawang makuha ni Yulo ang 8th spot sa 2 of the 3 qualification subdivisions.

Nakagawa ang atleta ng kabuoang 83.61 points. Binubuo ito ng 14.766 points niya sa Floor Exercise, 14.683 sa Vault, 14.533 sa Parallel Bars, 13.466 naman sa Horizontal Bar, 13.066 sa Pommel Horse, at 13.000 naman sa Rings.

--Ads--

Umaasa naman si Yulo na magagawa niyang marating ang 2 apparatus finals matapos niyang makuha ang 2nd spot sa floor exercise at 6th naman sa vault, kasama ang top 8 na qualified sa medal round.

Aabante naman sa all-round final ang top 24.