Aabanse na si Filipina Tennis star Alex Eala sa quarterinals ng Abu Dhabi Open matapos nitong talunin si Aliaksandra Sasnovich ng Belarus.

Nagtapos sa 2-6, 6-4, 7-6(7-5) ang kanilang laro.

Ipinakita ni Eala ang kaniyang gilas sa third set matapos habulin ang 0-4 deficit.

--Ads--

Ani Eala, sinubok nito ang tibay ng kaniyang dibdib habang naglalaro sa harap ng mga Pilipinong dumalo upang panuorin at ipakita ang suporta nila sa atleta.

Pinuri naman ni Eala si Sasnovich sa ipinakita nitong performance partikular na umano sa magagandang pagpalo sa pagse-serve.