Dagupan City – Ipagpapatuloy ng pamahalaan ng Australia ang pagbibigay ng subsidiya sa dalawa nitong natitirang oil refineries bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang sapat na suplay ng gasolina at enerhiya sa bansa.
Ayon kay Denmark Suede, Geopolitical Observer, layunin ng programang ito na mabawasan ang pagdepende sa imported fuel at mapanatili ang pambansang seguridad sa enerhiya, lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa pandaigdigang merkado.
Aniya, kabilang na rito ang pagdating ng mga troops ng 82nd Airborne Division na maaaring ideploy sa loob ng 18 oras kung kinakailangan.
Kung titingnan din kasi aniya ang sitwasyon ngayon sa Middle East, patuloy ang epekto ng mga pag-atake sa imprastraktura ng langis.
Sa katunayan aniya, naiulat na ang isang pipeline sa Jeddah ay naapektuhan matapos umanong bombahin ng grupong Houthi rebels.
Mahalaga ang rehiyong ito dahil tinatayang humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang suplay ng langis ay nagmumula rito, kaya anumang kaguluhan ay may direktang epekto sa presyo at suplay ng enerhiya sa buong mundo.
Bilang tugon, ipinaliwanag naman ni Suede na nakipagkasundo na rin ang Australia sa Singapore para sa garantisadong suplay ng refined oil.
Kapalit nito, magbibigay ang Australia ng iba pang produktong enerhiya tulad ng refined gasoline, bilang bahagi ng regional energy cooperation.
Samantala, isa sa nakikita naman nitong solusyon para naman sa kakulangan ng suplay sa bansa ay kinakailangang pag-aralan na rin ang pagtatayo ng nuclear power plants upang mabawasan ang pagdepende sa imported fossil fuels at mapatatag ang long-term energy security.










