Dagupan City – Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ng Lunes, June 9, 2025 ang Division Kick-Off Ceremony para sa Brigada Eskwela 2025.
Kung saan ang Dagupan City National High School (DCNHS) ang nagsilbing host ngayong taon.
Pinasinayaan naman ng School Division Office Dagupan City ang Brigada Eskwela 2025 at Oplan Balik Eskwela.
--Ads--
Nagsimula ang programa sa isang motorcade at sinundan ng zumba sa covered court.
Sa temang “Brigada Eskwela: Sama-Sama Para sa Bayang Bumabasa”, ang linggong aktibidad na ito ay magtatampok ng maraming kaganapan upang ipakita ang pagkakaisa sa pagbubukas ng paaralan.
Magtatagal naman ito hanggang biyernes, June 13,2025 bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela sa June 16,2025