BOMBO DAGUPAN – Wala pang masiyadong balita kaugnay sa pagkakaaresto ng mga otoridad sa Indonesia ni kontrobersyal dismissed Mayor Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ayon kay Rudy Celeste, Bombo international News correspondent sa bansang Indonesia na bagamat wala pang mga inilalabas na mga ulat sa mga news oulet maging sa social media ay nakumpirma naman niyang totoo ang pagkakadakip kay Guo matapos nitong tawagan ang Philippine Embassy sa Indonesia dahilan upang makumpirma ito.

Aniya na sa Tangerang isang syudad sa probinsiya ng Banten sa bansang Indonesia mismong nadakip si Guo.

--Ads--

Samantala, dahil maingat ang mga news agency nasabing bansa ay hindi sila agad naglalabas ng ulat kapag sila ay alanganin o di naman kaya ay hindi pa kumpirmado ang balita dahil maaari silang makasuhan agad ng tinatawag na cyber libel.

Matatandaan na napaulat na nakalabas ito ng Pilipinas noong buwan ng Hulyo kasama si Shiela Guo at Cassandra Ong.