Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government o DILG Region 1 ang mahigpit na koordinasyon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, mga lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies upang matugunan ang epekto ng Tropical Cyclones Luis at Maymay, gayundin ng habagat.

Ayon kay Ricky Dulay, Local Government Operations Officer IV ng DILG Region 1, activated na ang mga Emergency Operations Center sa mga probinsya bilang bahagi ng kanilang disaster preparedness at response efforts.

Naglabas na rin umano ang DILG ng mga advisory sa mga lokal na pamahalaan upang agad na maisagawa ang kanilang preparedness measures at protocols, kabilang ang preemptive o mandatory evacuation kung kinakailangan.

--Ads--

Patuloy naman ang 24-oras na monitoring sa mga komunidad, partikular sa mga lugar na itinuturing na vulnerable sa pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge, upang agad na makapagsagawa ng kaukulang hakbang sakaling lumala ang sitwasyon.