Mahina umano ang depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), at umaasa silang makukumpirma ang mga kasong isinampa laban sa kanya, kasunod ng pagsisimula ng confirmation of charges hearing sa tribunal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Atty. Marie Sol Taule ng Duterte Panagutin Network na ang unang araw ng hearing ay puno ng inaasahang argumento mula sa depensa ni Duterte, kabilang ang alegasyong “taken out of context, cherry-picked, at sensationalized” ang mga sinabi ng dating Pangulo.
Aniya ay walang bagong narinig, kung saan mahina ang depensa ni Duterte at hindi niya makontrovert ang hinahapag na argumento ng prosecution.
Binigyang-diin din ni Taule na ang mga nag-sampa ng kaso ay nagsimula pa noong 2018, bago pa man maging Pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at hindi ito politikal na isyu.
Saad nito ang dapat nating tandaan, ito ay dahil sa mga biktima at hindi dahil sa sino man.
Samantala, sa susunod na bahagi ng hearing ay nakatakda sa Pebrero 27, kabilang ang defense submission on demerits, closing statements ng prosecution ng Victims’ Council, at ang review of detention hearing.
Umaasa naman sila na sa pagtatapos ng proceedings na ito ay makukumpirma ng ICC ang mga charges para sa susunod na mga buwan ay magpatuloy na ang trial ni Duterte.










