Dagupan City – Nais ngayon ng Department of Agriculture (DA) na makipagpartner sa giant fertilizer firm ng Vietnam.

Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang statement kung saan ay sinabi nito na inaayos na ang distribution agreement sa bansa kasunod ng kanyang pagbisita sa pasilidad ng kompanya sa Hanoi noong nakaraang July 6, 2024.

Ang giant fertilizer firm ng Vietnam na Binh Dien Fertilizer Joint Stock Co. ang trarget na makaalyado ng departamento upang palakasin ang agricultural production ng bansa.

--Ads--

Kung saan ang kompanya ay maaari aniyang mag-supply o mag-manufacture ng kanilang fertilizer sa Pilipinas bilang bahagi ng Philippines international expansion nito.