BOMBO DAGUPAN – Dumating si dating US president Donald Trump sa Republican National Convention sa Milwaukee para sa kanyang unang public appearance magmula ng makaligtas sa tangkang asasinasyon dalawang araw matapos makaligtas siya mula sa tangkang asasinasyon sa kanya.

Mayroon siyang malaking bandage sa kanyang kanang taynga na tinamaan sa pamamaril habang dumadalo sa isang political rally sa Butler, Pennsylvania.

Samantala, pormal nang na nominate ng Republican National Convention sina Trump at running mate na si Ohio Sen. JD Vance, bilang Republican ticket para sa 2024 presidential election.

--Ads--

Si Vance ay isang Yale-educated venture capitalist at may akda sa bestselling memoir-turned-film na Hillbilly Elegy.

Matatandaan na noong 2022 midterm elections, napanalunan niya ang isang seat sa US Senate na may roong Trump’s endorsement at kanyang kauna unahang nahalal sa public office.