BOMBO DAGUPAN – Pumanaw na ang dating Presidente ng Peru na si Alberto Fujimori sa edad na 86.

Inanunsiyo ng anak ng dating Presidente na si Keiko Fujimori ang pagpanaw ng kaniyang ama sa pamamagitan ng isang social media post.

Ayon kay Keiko, tongue cancer ang ikinamanatay ng kaniyang ama pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa sakit.

--Ads--

Kinumpirma naman ito ng doktor ng dating Presidente na si Jose Carlos Gutierrez at sinabing na-diagnose ang dating presidente sa sakit na tongue cancer at namatay dahil sa komplikasyon galing sa naturang sakit.

Nagtipon-tipon naman ang mga taga-suporta ni Fujimori sa labas ng kaniyang tahanan matapos malaman ang pagkasawi ng dating presidente.

Matatandaang ang dating presidente ay nakalaya niong Disyembre mula sa Lima’s Barbadillo prison matapos mahatulan ng ilang mga kaso tulad ng corruption, pag-abuso sa kapangyarihan ay likod ng dalawang death squad massaces sa mga unang mga taon ng 1990s.