DAGUPAN CITY– Nasawi ang isang dating OFW matapos siyang pagbabarilin ng kanyang sariling pinsan sa bayan ng Villasis Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Eugene Montilla habang ang suspek ay Joel Montilla.

Nangyari ang insidente sa Barangay Piaz, Villasis.

--Ads--

Sugatan din sa pamamaril ang isa pa nilang pinsan na si Emerson Tugare.

Ayon sa imbestigasyon, sumugod umano si Eugene at Emerson sa bahay ng suspek.

Naaresto ang suspek pero giit niya, Self defense lang umano ang nangyari.

Nabatid na may dati nang may alitan ang magpipinsan.