Sa botong 34-3-0, inaprubahan ng House Justice Committee ang mosyon na ipatawag si dating Department of Education (DepEd) Chief of Staff Atty. Michael Poa sa pagdinig kaugnay ng impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte.
Layunin ng komite na makuha ang testimonya ni Poa upang linawin ang mga isyung kaugnay ng kanyang dating trabaho sa Department of Education habang kalihim si Duterte.
Bagamat may tatlong tumutol, nanaig ang mayorya upang ituloy ang imbestigasyon.
Ang pagdinig ay inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na linggo, kung saan inaasahang tatalakayin ang iba pang ebidensya at testimonya mula sa mga key witnesses.
Layunin ng komite na matukoy kung may sapat na batayan upang umusad ang impeachment case sa susunod na yugto ng proseso sa Kamara.










