BOMBO DAGUPAN – Nahuli ang dalawang lalaki sa bayan ng Bolinao dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Teofilo Petalver III, DCOP for Administration Bolinao PNP dahil sa ipinatupad ng mga tauhan ng Bolinao MPS na dalawang magkahiwalay na implementasyon ng search warrant ay nagresulta ito sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Kinilala ang mga ito na si Alfie Cazar Carreon, 40 taong gulang, binata, mangingisda, at residente ng Brgy. Salud, Bolinao, Pangasinan habang ang isa pa ay si Angelo Calixtro Suyat 27 taong gulang, single, mangingisda at residente din ng nasabing bayan. Halos magkatabi lang ang bahay ng mga suspek at 20 metro lamang ang layo ng pagitan nito.

--Ads--

Kaugnay nito ay nahulian ang mga ito ng mga paraphernalia at ilan pang kagamitan sa ilegal na droga.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Bolinao PNP ang mga suspek at hinihintay na lamang ang commitment order mula sa korte.