Dagupan City – Lumahok ang Dagupan City Police Office sa Mass Casualty Management Training na isinagawa ng Department of Health – Health Emergency Management Bureau noong Pebrero 20, 2026 sa Japanese Garden sa Tondaligan, Dagupan City.
Bahagi ito ng hakbang upang palakasin ang kahandaan ng mga responder sa posibleng malawakang insidente at iba pang kritikal na sitwasyon.
Ayon sa Dagupan City Police Office, isinagawa ang pagsasanay katuwang ang iba’t ibang ahensiya kabilang ang disaster risk reduction and management office, Bureau of Fire Protection, city health office, mga ospital, at maritime at explosive ordnance units.
Nakatuon ang aktibidad sa pagpapahusay ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga unang rumeresponde sa oras ng emerhensiya.
Tinalakay at isinagawa rin sa pagsasanay ang wastong triage o pag-uuri ng mga biktima batay sa kondisyon, mabilis na assessment, at ligtas na paglikas upang mapabilis ang pagbibigay ng paunang lunas at transportasyon sa mga pasilidad medikal.
Layunin nitong mabawasan ang posibleng pinsala at masiguro ang maayos na pagtugon sa oras ng sakuna.
Pahayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, patuloy ang pagpapatupad ng mga kahalintulad na aktibidad upang mapanatili ang kahandaan ng mga ahensiya at mapalakas ang kabuuang sistema ng emergency response sa lungsod.










