Crime of passion ang nakikitang motibo sa pamamaril sa ulo ng 23-anyos na empleyado ng Provincial Social Welfare & Development Office sa isang liblib na bahagi ng barangay Cacaritan, siyudad ng San Carlos.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Col. Franklin Ortiz, OIC ng San Carlos City PNP, mayroon na silang tinutumbok na persons of interest sa pagpatay sa biktimang si Renalyn Aquino, residente ng barangay Baybay Lopez, sa bayan ng Binmaley. Sa kabila nito ay hindi na nagbigay ng anumang detalye ang naturang opisyal.

Narekober naman sa crime scene ang isang basyo ng caliber 9mm.

--Ads--

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, posible umanong kasama ng naturang biktima ang mismong suspek na pumunta sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala hiling naman ng pamilya ng biktima ang agarang hustisya sa pagkamatay nito na inilarawan pang mabait na kapatid at anak.

Voice of PLt. Col. Franklin Ortiz