Isinasagawa na ang contact tracing sa parehong lungsod ng Alaminos at sa bayan ng Bani kung saan nakadestino at nangungupahan ang nagpositibo sa COVID-19 na miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Sinuguro naman ng lokal na pamahalaan ng siyudad ng Alaminos na nasa maayos na kalagayan ang naturang asymptomatic na frontliner.
Karagdagan pa, pansamantalang isasailalim sa lockdown ang bahagi ng Sitio Sadsaran, Quezon Avenue sa Barangay Poblacion mula June 6-June 26, 2020.
--Ads--
Nagpaalala naman ang naturang lokal na pamahalaan na patuloy pa rin sa pag-iingat at limitahan ang paglabas ng bahay.