Mariing pinabulaanan ni Congressman Elect Cristopher ‘Toff’ De Venecia ang mga kumakalat na balita na hindi umano nito ginagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng ikaapat na distrito dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa konsehal sinabi nito na walang katotohanan ang nasabing balita. Sa katunayan aniya, lagi umano itong nag iikot sa distritong kanyang pinamumunuan at sinisigurong naibibigay ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.
Giit pa niya,marahil ay hindi lamang umano ito napapansin ng iba lalo na’t siya aniya ang tipo ng lider na hindi na kinakailangan pang sabihin o ipagmalaki ang mga bagay na kanyang ginawa o nagawa.
Samanatala, inihayag ng konsehal na ipagpapatuloy nito ang paggawa at pagpasa ng mga batas na maari umanong makatulong sa publiko lalo na sa mga residente ng ikaapat na distrito sa oras na maupo na muli ito ng pormal sa kanyang pwesto.