DAGUPAN CITY- Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Commission on Election Region 1 sa paghahain ng mga aspirant ng kanilang certificate of candidacy.

Ayon kay Atty. Reddy Balarbar, Assistant Regional Election Director sa rehiyon Uno, karamihan sa mga naghain ng mga kandidatura simula noong Oktubre 1 ay mga incumbent. Umabot naman sa 201 ang bilang ng mga naitalang naghain ng kandidatura sa buong rehiyon.

Nagpaalala naman siya sa mga aspirant na huwag nang hintayin pa ang huling araw upang maiwasan ang anumang aberya. Tiyakin din na kumpleto sila sa mga kinakailangang dokumento.

--Ads--

Sinabi naman ni Atty. Balarbar, na mahigit 12,000 naman ang bilang ng mga umabot na nagparehistrong botante sa kabila ng masamang panahon dulot ng bagyong Julian.

Bagamat naapektuhan ang rehiyon sa nakaraang bagyo, patuloy pa rin ang kanilang opisina sa pagproseso ng mga nagparehistro at maging filing ng certifiate of candidacy.