BOMBO DAGUPAN- Naglabas ng video footage ang China kaugany sa banggaan ng dalawang vessel ng Philippine Coast Guard na BR Teresa Magbanua at ang China Coast Guard sa Escoda Shoal noong Agosto 31.

Sa nasabing video, sinabi ng China na ang PCG umano ang may intensyon na banggain ang Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Saad ng tagapagsalita ng CCG, iligal umanong nanatili ang Philippine Vessel sa kanilang inaangkin na karagatan. Nang itinaas na umano ng PCG ang kanilang ankla tsaka na aniya binangga ang vessel ng China.

--Ads--

Binantaan naman niya ang Pilipinas na umatras na agad sa karagatan o makikita umano ang kahihinatnan kung hindi sumunod.