BOMBO DAGUPAN– Nanalo ang Central Luzon secondary boys basketball team laban sa Philippine School Overseas sa ginaganap na 2024 Palarong Pambansa Basketball secondary boys ngayong araw.

Samantala, kanina rin ay nanalo ang Koronadal versus Mimaropa sa iskor na 81-77.

Ayon kay Edilberto Abalos- Basketball Tournament Director ng Palarong Pambansa, marami pang aabangan lalo na sa championship sa darating na July 15.

--Ads--

Lahat ng sports event ay magsisimula bukas pero ang iba ay nagsimula na aniya ngayong araw dahil medyo kukulangin umano sa oras at facilities.

Kanya rin namang inilarawan na maganda ang naging preparasyon ngayon sa Palarong Pambansa 2024.

Noon aniya ay kaunti ang spports events, dahil boys lamang lamang noon at wala pang kalahok na mga babae.

Dagdag pa niya na mas maraming koponan at sports events ngayon.