Dagupan City – Viral ngayon sa social media ang aktres na si Yassi Pressman at boyfriend nitong si Camarines Sur Governor Vicenzo Renato Luigi Villafuerte matapos ipakita sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa sa pamamagitan ng onstage kiss.

Ito’y matapos kumalat ang video ng dalawa sa naging performance ni Yassi sa “Kaogma Festival.”
Sinamahan kasi siya ni Gov. Villafuerte sa stage at biglang sinunggaban ng halik, na siyang ikinakilig naman ng mga tao event.

Bagama’t kinilig ang mga nanonood ng live, iba naman ang naging reaksyon ng mga mapanuring mata ng netizens.
Ayon sa mga comments at shared post, hindi raw naging maganda ang ipinakita ng dalawa lalo na’t isang public official si Villafuerte.

--Ads--

Hirit naman ng ibang komento, mas maganda na lang sana kung simpleng smack lang, at hindi na kailangan gawing passionate ang kiss sa harap ng libo-libong tao.