Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon, umabot sa 1,600 metro. Nananatili sa Alert Level 3. Alamin ang pinakabagong babala at pag-iingat mula sa PHIVOLCS.

Naitala ang panibagong pagbuga ng abo mula sa Bulkang Mayon sa Albay nitong Martes ng umaga, Nobyembre 3.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagsimula ang ash emission dakong alas-8:22 ng umaga, kung saan umabot sa 1,600 metro ang taas ng abo mula sa bunganga ng bulkan.

Tinangay naman ng hangin ang abo patungong timog-kanluran.

--Ads--

Patuloy na minomonitor ng PHIVOLCS ang kondisyon ng Mayon, na nananatili sa Alert Level 3.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone o PDZ sa paligid ng bulkan dahil sa posibleng panganib mula sa patuloy nitong aktibidad.

Pinag-iingat din ang mga residente sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbuga ng abo at iba pang banta na kaugnay ng aktibidad ng bulkan.