Dagupan City – Nakatakdang ihatid ni Binmaley Mayor Pedro A. Merrera III ang kanyang State of the Municipality Address (SOMA) 2026 sa Lunes, Hulyo 13, ganap na alas-8:00 ng umaga sa Binmaley Evacuation Center.

Inaasahang ilalahad ng alkalde ang mga pangunahing nagawa ng kanyang administrasyon, ang mga programang naipatupad para sa kapakanan ng mga Binmaleño, at ang mga proyektong nakatakdang isulong para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Magsisilbi ring pagkakataon ang SOMA upang maipakita ang mga naging bunga ng mga programa at inisyatibong isinagawa ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang sektor, kabilang ang imprastraktura, kalusugan, edukasyon, kabuhayan, agrikultura, at iba pang serbisyong pampubliko.

--Ads--

Inaasahan ding ilalahad ni Mayor Merrera ang mga plano at direksyong tatahakin ng pamahalaang bayan sa mga susunod na taon upang higit pang mapalakas ang kaunlaran, transparency, at maayos na paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Binmaley na maging bahagi ng mahalagang okasyong ito bilang pagpapakita ng pakikiisa sa patuloy na pagsusulong ng isang mas matatag, mas maunlad, at mas progresibong Binmaley.