Dagupan City – Inaasahan na lalo pang lumaki ang nakaambang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, batay sa pinakahuling pagtaya ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng doe, base sa 4 na araw na kalakalan, posibleng pumalo sa ₱4.3 hanggang ₱4.80 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

Nasa ₱2.50 hanggang ₱3 naman ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng gasoline.

--Ads--

Habang mayroon ding nakaambang dagdag-presyo sa kerosene na naglalaro sa ₱4.25 hanggang 4.40 kada litro.

Ani Romero, ang big-time oil price hike ay bunsod ng mga ispekulasyon kaugnay ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.