Nakatakdang magtungo sa Puerto Rico ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan Windorski para sa ika-75 edisyong ng Miss Universe.
Inanunsyo ng Miss Universe Philippines ang nalalapit na send-off para kay Bea Millan-Windorski bago ito lumipad patungong Puerto Rico upang katawanin ang bansa sa prestihiyosong Miss Universe 2026.
Gaganapin ang send-off event sa Nobyembre 5, 2026 Huwebes, alas 3:00 ng hapon sa NAIA Terminal 1.
--Ads--
Huling naiuwi ng Pilipinas ang korona ng Miss Universe noong 2018, nang magwagi si Catriona Gray bilang ikaapat na Pilipinang nagkamit ng prestihiyosong titulo.










