Dagupan City – Muling nagdala ng malaking karangalan sa bayan ang San Quintin matapos nitong masungkit ang prestihiyosong National Best PESO Award 2025 para sa kategorya ng Second-Class Municipality.

Ang naturang pengkilala ay patunay ng walang sawang dedikasyon at natatanging serbisyo ng Public Employment Service Office (PESO) San Quintin sa paghahatid ng mga oportunidad sa trabaho, pangkabuhayan, at tulong-pinansyal para sa mga mamamayan nito.

Pinangunahan ni Ms. Roma Madrigal, PESO Manager ng San Quintin, kasama ang buong PESO team.

Sa pamamagitan ng kanilang masigasig na pagpapatupad ng mga programa para sa empleyo, patuloy na nabibigyan ng magandang kinabukasan ang maraming pamilyang Quintinian.

Lubos naman ang kagalakan at pagmamalaki ng pamahalaang lokal at ng buong komunidad sa panalong ito.

Nagpaabot din ng pampublikong pagbati ang lokal na pamahalaan sa buong koponan ng PESO San Quintin at nangakong ipagpapatuloy ang pagtataguyod ng mas marami pang programa at oportunidad para sa ikauunlad ng bawat mamamayan.