DAGUPAN CITY- Nailikas na ang ilang mga pamilya sa Barangay Longos sa bayan ng Calasiao dahil sa nararanasang baha dulot ng bagyong Emong at habagat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Barangay Chairman Joseph Uson ng Barangay Longos, kanyang kinumpirma na kasalukuyang sitwasyon ng kanilang lugar.

Aniya, nasa hindi bababa sa 10 pamilya na ang kanilang nailikas mula nang magsimula ang matinding pagbaha.

--Ads--

May mga isinagawang forced evacuation para sa mga pamilyang nasa matinding panganib, habang ang ilan naman ay kusang-loob na lumikas o voluntary evacuation.

Patuloy rin ang koordinasyon ng barangay sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mabigyan ng agarang tulong ang mga apektado ng kalamidad.