DAGUPAN CITY- Handa na ang Barangay Longos sa bayan ng Calasiao sa posibleng epekto ng Bagyong Crising.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Punong Barangay Joseph Uson ng Barangay Longos, tiniyak nito ang kahandaan ng kanilang barangay.

Aniya, may ilang bahagi ng kanilang barangay na madalas bahain tuwing malalakas ang pag-ulan, ngunit kasalukuyan na umanong pinapataas ang mga daan upang maiwasan ang pag-ipon ng tubig.

--Ads--

Dagdag pa niya, passable na rin ngayon ang ilang kalsadang dati ay palaging binabaha tuwing umuulan.

Aniya, malaking tulong ito upang mapadali ang paggalaw ng mga residente lalo na sa panahon ng kalamidad.

Matatandaang noong taong 2023 ay nakaranas ang Barangay Longos ng matinding pagbaha kaya’t mas pinaigting nila ngayon ang kanilang paghahanda.

Nakastandby na rin umano ang mga kagamitan at rescue teams ng barangay sakaling kailanganin sa oras ng sakuna.