DAGUPAN CITY – Natagpuang wala ng buhay ang katawan ng isang janitor sa King Fisher School of Business and Finance bandang alas 9:10 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Arnel Discaya 26 anyos tubong Brgy. Aroroy, Masbate City, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Lucao, Dagupan City.

Sa imbestigasyon ng Dagupan City PS napag-alamang bandang 6:30 ng umaga nang may isang lalaking nagpakilalang Jomer Notarte, 47 anyos at janitor din ng nasabing paaralan ang nakapansin na sarado pa rin ang eskwelahan.

--Ads--

Kaya noong pasukin ang staff house doon ay bumungad sakanya ang kasamahang nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

Ayon sa City Health Office sa lungsod posible umanong ang sanhi ng pagkamatay nito ay Myocardial Infarction o heart attack.

Sa kasalukuyaan ay pinaglalamayan na ang bangkay ng nasawing janitor.