Dagupan City – Naipasakamay na sa Lokal na Pamahalaan ng burgos ang bagong truck ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council bilang karagdagang pangserbisyo sa mga residente ng lugar sa mga panahong kinakailangan.

Kung saan nagsagwa ang mga kawani ng-inspeksyon bago tanggapin ang nasabing sasakyan, na maaaring gamitin para sa iba’t ibang layunin tulad ng paghahatid ng serbisyo sa pamayanan, pag-transport ng mga produkto sa palengke, at pagtugon sa emerhensiya.

Gayundin ang pagbibigay ng malakng papel para sa pagpapalakas ng disaster risk governance at paghahanda para sa mga sakuna sa bayan.

--Ads--

Lubos naman ang nagging pasasalamat ng opisina sa bagong truck at sa patuloy na pagbigay suporta sa kanilang adhikain na makatulong sa bayan. (Aira Chicano)