Inaprubahan na sa special session  ng Sangguniang Panglungsod  ng Dagupan  ang ordinansa kaugnay sa panibagong routa ng mga pumapasadang  jeep sa De Venecia Highway extension dito sa  lungsod.

Nakapaloob  sa ordinansa na  papayagan lamang na dumaan ang mga pampasaherong jeep sa araw ng kanilang coding.

Magsusumiti ang Sangguniang Panglungsod ng kopya ng ordinansa sa Land Transportation  Franchising and Regulatory Board  o LTFRB upang pag-aralan.

--Ads--

Kailangan muna umanong aprubahan ng LTFRB bago tuluyang maipatupad ang bagong rota sa ciudad.

Samantala,  negatibo  naman ang tugon ng ilang driber dahil  wala umano silang makukuhang  pasahero sa kahabaan ng De Venecia. Bagamat ang iba ay pabor dahil magkakaroon sila ng  karagdagang kita.