DAGUPAN CITY- Pormal nang binuksan nag bagong Multi-Purpose Building na inilaan para sa mga senior citizen ng barangay Concordia sa bayan ng Burgos.

Nakatayo ang building katabi ng barangay hall sa bayan upang mas lalo pang mapahusay ang kanilang mga aktibidad sa lipunan.

Pinanguhan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan katuwang ang mga brgy. opisyal at ang Barangay Senior Citizens Association at iba pang mga bisita sa pagsasagawa ng ribbon cutting.

--Ads--

Ang Multi-Purpose Building para sa mga Senior Citizens sa barangay Concordia, na pinondohan ng 20% development fund ng lokal na pamahalaan (LGU), ay nagkakahalaga ng Php1,597,284.96, at nagsimula noong Nobyembre 20, 2024, at natapos noong Disyembre 31, sa kaparehong taon.

Nagbahagi ng isang maikling programa, at taos-pusong nagpasalamat ang Pangulo ng Barangay Senior Citizens Association sa mga opisyal ng LGU, na nasa likod ng matagumpay na pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura para sa mga nakatatanda sa bayan.