Naaresto ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang babaeng guro sa pamamagitan ng isinagawang operasyon sa Barangay Tapuac.

Katuwang nila dito ang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Police Station 4, CIDMU, at CIU para sa operasyon.

Nahuli ang suspek dahil sa paglabag sa Section 10(a) ng RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act).

--Ads--

Kinilala ito bilang residente ng Poblacion Oeste sa lungsod.

May itinakdang piyansa ang suspek sa halagang Php 80,000.00.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek habang isinasagawa ang kaukulang proseso.