Isang babae na huminto lamang sana para magbanyo habang nasa isang road trip sa Australia ang napahamak matapos siyang maipit hanggang baywang sa isang hukay na palikuran nang ito ay gumuho.

Ayon sa mga awtoridad sa Northern Territory, siya ay na-trap sa hukay ng palikuran nang humigit-kumulang tatlong oras bago siya nailigtas ng isang manggagawa na nagkataong dumaan.

Kasama ng babae ang kanyang asawa at dalawang anak, at pauwi na sana sila sa Canberra matapos bumisita sa mga kamag-anak sa Darwin nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Ang naturang palikuran ay matatagpuan sa Henbury Meteorites Conservation Zone, humigit-kumulang 145 kilometro timog-kanluran ng liblib na bayan ng Alice Springs.

Ang mga pit toilet ay mga simpleng palikuran na walang flush pero may malalim na hukay sa lupa.

Karaniwan itong ginagamit sa mga liblib o rural na lugar, tulad ng mga off-grid camping site.

Ayon sa isang saksi, nagawang makahingi ng tulong ng asawa ng babae sa isang dumadaang manggagawa.

Ibinaba nito ang isang lubid sa hukay upang kapitan ng babae, at saka ginamit ang kanyang sasakyan upang maiahon siya palabas.