DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy pa rin ang Commission on Election San Jacinto sa kanilang isinasagawang Automated Counting Machine Roadshow sa lahat ng mga barangay sa loob ng kanilang nasasakupan.

Ayon kay Maja Chakri Indon, Election Officer ng COMELEC San Jacinto, isinasagawa ang nasabing aktibidad upang maipakita sa publiko ang paraan kung paano magagamit ang nasabing machine.

Dagdag niya, mayroon lamang silang 19 na mga barangay sakanilang nasasakupan, at sa ngayon ang COMELEC San Jacinto ay mayroon na lamang 13 na mga barangay ang kanilang bibisitahin.

--Ads--

Samantala, target naman ng nasabing opisinas na matapos ang demonstration ng ACM sa katapusan ng Enero.

via Bombo Justine Ramos