DAGUPAN CITY—Muling pinatunayan ng mga Pilipino ang kanilang husay sa larangan ng Arnis matapos mag-uwi ng mga medalya ang Ang Lahi ng mga Wani sa isang prestihiyosong kompetisyon sa France.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi ni Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa France, ang matagumpay na paglahok ng koponang Ang Lahi ng mga Wani sa isang prestihiyosong Arnis competition na ginanap noong Pebrero 8, 2026 sa Omnisports Plessis-Robinson.

Ayon kay Valdez, kahanga-hanga ang ipinamalas ng mga atletang Pilipino sa kabila ng limitadong paghahanda. Wala pang isang linggo ang kanilang naging preparasyon at umaabot lamang sa isa’t kalahating oras ang kanilang ensayo—ngunit hindi ito naging hadlang upang magningning sa laban.

--Ads--

Ang kompetisyon, na Red Balintawak Paris para sa Paris Nord Arnis/Kali/Escrima/Open, ay nagsilbing entablado upang muling maipakita ang galing at disiplina ng mga Pilipino sa sariling sining ng pakikipaglaban.

Mga nag-uwi ng medalya:

Benjamin Individual—Bronze medal
Alden Gabriel Reyes

Benjamin Group—Silver Medal
Alden Gabriel Reyes
Elisha Mistellero
Jemuel Francis Bustamante

Minime Individual—Silver Medal
Jemuel Francis Bustamante

Cadet Individual—Silver Medal
Elisio Rey Victoire Valdez Ramos

Women Individual Single Baton
Alissy-Bless Pena — Gold Medal
Chechen Bautista— Silver Medal
Rowena Anoba —Bronze Medal

Women Individual Double Baton
Alissy-Bless Pena — Gold

Men Individual Single Baton
Nicolas Laurent—Gold Medal
Ezekiel Casupanan—Silver Medal
Jayson Marcial—Bronze Medal

Men Individual Double Batons
Ezekiel Casupanan—Silver Medal

Men Group Single Baton —Silver Medal
Nicolas Nicolas Laurent
Ezekiel Casupanan
Noel Dapiton

Ibinahagi rin ni Valdez sa panayam na bagama’t hindi pa ganap na popular ang Arnis sa France, patuloy ang pagsisikap ng Filipino community na palawakin ang kaalaman at interes dito. Sa katunayan, naging bahagi na ang Arnis ng Fédération Française de Karaté—isang mahalagang hakbang sa mas malawak na pagkilala nito sa Europa.

Hindi lamang pagsasanay sa Arnis ang layunin ng grupo. Ayon kay Valdez, isinusulong din nila ang pagtuturo ng Baybayin upang mas maipakilala ang lalim ng kulturang Pilipino sa mga lokal na Pranses.

Umaasa ang koponan na makasali sa mas malalaking internasyonal na kompetisyon sa hinaharap.

Samantala, nakatakda ang mga pambansang paligsahan sa Mayo 2026 sa iba’t ibang bahagi ng France—panibagong pagkakataon upang ipamalas ang husay ng mga Pilipino at muling iangat ang dangal ng bansa sa larangan ng Arnis.