Nagtayo ng Police Assistance Desk ang mga tauhan ng Anda Police Station sa Tori-Tori Cemetery sa Barangay Tori-Tori, Anda, Pangasinan upang magbigay ng tulong at seguridad sa mga dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay bilang bahagi ng paghahanda at pagpapatupad ng seguridad para sa Undas 2026.

Pinangunahan ni PMAJ Regin E. Cabico, Chief of Police ng Anda Police Station, ang aktibidad kasama si Municipal Mayor at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Nakiisa rin sa pagbibigay-serbisyo ang mga Barangay Health Worker (BHW), Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), Bureau of Fire Protection (BFP), Bantay Bayan, Philippine Navy, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang force multipliers.

--Ads--

Sa pamamagitan ng Police Assistance Desk, nagkaroon ng malalapitan ang mga sementeryo-goer para sa kanilang mga pangangailangan at agarang tulong habang bumibisita sa nasabing sementeryo.

Layunin ng pagtutulungan ng mga kapulisan, lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Undas 2026.