DAGUPAN CITY- Pasok ang Pilipinas sa finals ng Eastbourne Open sa katauhan ni Alex Eala bilang unang Filipina na umabot sa WTA final matapos talunin si Varvara Gracheva ng France, 7-5, 2-6, 6-3, sa Lexus Eastbourne Open.

Mula qualifying rounds, umusad si Eala patungong championship match kontra Maya Joint o Anastasia Pavlyuchenkova.

Ang 20-anyos na si Eala ay nagsimula sa qualifying rounds at ngayon ay haharap sa kampeonato kontra kay Maya Joint ng Australia o Anastasia Pavlyuchenkova ng Russia para sa WTA 250 title.

--Ads--

Hindi naging madali ang panalo kay Gracheva, kung saan muntik na siyang matalo matapos ang 3-0 lead sa first set at 2-0 sa second set.

Ngunit, bumawi si Eala sa deciding set, tinapos ang laban sa loob ng 2 oras at 22 minuto.

Umakyat na sa career-high na WTA No. 64 si Eala matapos ang sunod-sunod na panalo, kabilang ang upset victory kontra WTA No. 42 Dayana Yastremska sa quarterfinals at world No. 20 Jelena Ostapenko sa Round of 16.

Target ngayon ni Eala ang maging unang Filipina WTA champion, isang malaking tagumpay bago ang kanyang kampanya sa Wimbledon.