Hindi bababa sa pitong katao ang nasawi sa mga pag-atake ng Russia sa buong Ukraine magdamag, kabilang ang lima sa gitnang lungsod ng Dnipro, kung saan sinabi ng mga opisyal na tinamaan ang isang apartment building.

Sinabi ni Pangulong Ukrainian na si Volodymyr Zelensky na ang pinakahuling pag-atake ay tumagal ng halos buong gabi, habang patuloy pang naghahanap ang mga rescue worker ng mga nakaligtas sa ilalim ng mga guho sa Dnipro nitong Sabado ng umaga.

Pinakilos ang mga British jet mula Romania sa kasagsagan ng pag-atake nang matukoy ang mga drone ng Russia malapit sa boarder, bagaman itinanggi ng UK Ministry of Defence ang ulat na may napatumba silang ilan.

--Ads--

Samantala, nagsagawa ang Ukraine ng ilan sa pinakamalalayong drone strike nito sa loob ng teritoryo ng Russia.

Sa Yekaterinburg, halos 1,000 milya (1,600 kilometro) mula sa boarder ng Ukraine, sinabi ng gobernador na anim na katao ang nasugatan nang tamaan ang isang gusali—habang sa kalapit na Chelyabinsk, sinabi ng isang lokal na lider na na-intercept ang mga drone na tumarget sa isang industrial facility.

Tinarget din ng mga missile at drone ng Russia ang hilagang lungsod ng Chernihiv, kung saan sinabi ng mga opisyal na dalawang tao ang nasawi, pati na rin ang Odesa at Kharkiv.

Ayon sa mga awtoridad ng Ukraine, kanilang napigilan ang karamihan sa mahigit 600 drone ng Russia, na tila pinakamalaking pag-atake sa nakalipas na ilang araw.

Hayag ni Zelensky sa social media: “The Russians’ tactics have not changed: strike drones, cruise missiles, and a significant amount of ballistics. Most of the targets are ordinary infrastructure in cities. Residential buildings, energy, and enterprises have been damaged.”